Ano Ang Pangatnig? Mga Uri Ng Pangatnig?

Ano Ang Pangatnig?

Ang pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.

Imutawag na pangaling ang mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang ulita, parirala sa kapwa purirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap. 

Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangusap na tambalan, hugnayan at langkapan:

Pangatnig ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

Magbasa pa: Ano Ang Pangngalan ? Halimbawa, Mga Uri Ng Pangngalan?

Halimbawa:

• Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay puspusang isinasagawa ng mga bisig ng batas. 

• Ang pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng mga gulay ay mabisa para sa kalusugan.

Mga Uri Ng Pangatnig :-

1. Paninsay:

 Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nag kasalungat.

Halimbawa:

Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.

2. Pananhi:

 Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.

Halimbawa:

Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Dong na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.

3. Pamukod:

Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.

Magbasa pa: Ano Ang Wika? kahalagahan ng wika? katangian ng wika?

Halimbawa:

Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.

4. Panlinaw:

Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.

Halimbawa:

Sumisigaw ang kanyang pusoat humihingi ng katarungan.

Pangatnig na panimbang din ang tawag sa at, ngunit, datapwat sapagkat nag- uugnay ng mga salitang magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ng mga sugnay na nakapag-iisa. Panlinaw rin ang mga pangatnig na samakatuwid, kung gayon, kaya.

5. Panubali:

Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.

Halimbawa:

Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.

6. Panapos:

Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.

Halimbawa:

At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.

Magbasa pa: Ano Ang Malinaw Na Pagkakaiba Ng Wika At Diyalekto?

7. Panulad:

Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.

Halimbawa:

Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.

sanggunian :-

Ang buong post na ito ay isinulat mula sa Scribd.com.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *